Sabong Write-up

AG Polo Paraiso Gamefarm ni Boss Anthony Garcia

Isa po si Boss AG sa mga "young & up-coming" breeders sa ating bansa at kasalukuyang miyembro ng LGBA at BBC (Batngas Breeders' Club) kaya masasabi natin na isa siya sa magagaling na breeders hindi lang sa Luzon kungdi pati sa buong Pilipinas. Ang kanyang manukan ay matatagpuan sa Calatagan, Batangas at signature breeds niya ang mga Dan Gray Roundhead at Claret pati na rin ang Johnny Jumper at Roy Brady Radio at Silver Grey na mula kay Harold Brown. Bukod sa sabong ay linya din ni Boss AG ang pag-aalaga ng kabayo kaya naman kakabit ang "Polo" sa pangalan ng kanyang gamefarm dahil sa pagkahumaling sa larong Polo at isa siyang Polo Professional kung saan kailangan ng matinding disiplina sa isports na ito. Para po sa mga interesado makakuha ng magandang materyales o panlaban ay bisitahin po ninyo ang kanyang Facebook page sa link sa ibaba.

http://www.facebook.com/pages/AG-Polo-Paraiso-Farm/114714998591586?ref=ts&sk=wall#!/pages/AG-Polo-Paraiso-Farm/114714998591586